Pumanaw na ang beteranong kolumnista na si Amando “Doro” Doronila sa edad na 95 taong gulang.
Ayon kay Agustin Doronila, panganay na anak ng socio-political observer, ang kanyang ama ay iginupo ng sakit na pneumonia sa Canberra, Australia.
Nabatid na sinabihan ng mga staff ng Kangara Waters care facility ang pamilya ni Doronila na dalhin ito sa Calvary Hospital matapos bumagsak ang kanyang oxygen level kung saan ito sinasabing binawian ng buhay.
Ang dating multi-awarded journalist-editor at investigative reporter na si Doronila ay dati ring kolumnista ng The Manila Times at Philippine Daily Inquirer.
Siya ay naging political detainee noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Si Doronila ay ihahatid sa kanyang huling hantungan sa Hulyo 14.