Nagretiro na ang veteran PBA player na si Ranidel De Ocampo matapos ang 16 na taong karera sa basketball.
Inanunsyo ito ni De Ocampo sa pamamagitan ng isang podcast at twitter post.
Ayon kay De Ocampo, dati lamang niyang kinahihiligan panoorin ang basketball at hindi inakalang magiging malaking bahagi ito ng kanyang buhay.
Sinabi ni De Ocampo, ngayong retirado na siya ay mabibigyan na siya ng pagkakataon para mas madalas na makapiling ang kanyang pamilya.
Dagdag ni De Ocampo, dahil sa basketball, matagumpay niyang nakamit ang kanyang mga pangarap kung saan marami rin siyang natutunang araw sa buhay.
Nakilala si De Ocampo bilang isa sa best power forwards habang nasa koponan ng TNT, dalawang beses naging finals MVP at Best Player of the Conference sa 2014 PBA Governors Cup.
Naging bahagi rin si De Ocampo ng Philippine National Team at naglaro sa Gilas Pilipinas noong 2013 kung saan nanalo sila ng silver sa FIBA Asia Championship.