Balot ng katiwalian, iregularidad at maling pamamahala ang Veterans Federation of the Philippines o VFP.
Ito ang ibinunyag ni national Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna ng namumuong tensyon sa pagitan ng Department of National Defense o DND at Veterans Federation of the Philippines kaugnay sa pagpapatalsik kay Col. Bonifacio de Gracia bilang Pangulo ng VFP.
Ayon kay Lorenzana, may mga alegasyon na tanging ang mga malapit sa mga nangangasiwa sa pederasyon ang nakikinabang sa mga benepisyong dapat ay para sa lahat ng beterano batay sa imbestigasyon ng gobyerno.
Magugunitang sumiklab ang tensyon noong isang linggo matapos pasukin ng mga DND personnel ang tanggapan ng VFP sa Ermita, Maynila bitbit ang kautusan kay De Gracia na bakantehin ang kanyang pwesto dahil iligal umano ang naganap na eleksyon ng VFP board noong Disyembre.