Apat na probisyon ng ipinasang TRAIN o Tax Reform Acceleration and Inclusion Act ang ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa kaniyang veto message, ibinasura ng Pangulo ang pagpapataw ng dagdag na buwis o excise tax sa tobacco, personal income tax at tax perks ng mga nagtatrabaho sa BPO o Business Process Outsourcing.
Gayundin ang pagpapataw ng tax rate sa mga kawani ng regional headquarters, offshore banking units at mga service contractors at subcontractors sa industriya ng langis.
Magugunitang kabilang sa nilagdaan ng Pangulo sa TRAIN Act ang pagpapataw ng buwis sa petroleum products, coal, matatamis na inumin at pag-alis sa buwis para sa mga kumikita ng 250,000 Piso pababa.