Gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power upang matanggal ang ilang probisyon na nakapaloob sa panukalang 2021 General Appropriations Act.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag ilang araw bago ang inaabangang ceremonial signing ng proposed P4.5-T national budget para sa susunod na taon.
Bagama’t hindi tinukoy ni Roque ang ilang items na babaklasin, binanggit ng kalihim na ito’y ibabase lamang sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management (DBM).
Sinasabing lalagdaan ni Pangulong Duterte ang budget bill sa Davao City sa Lunes, ika-28 ng Disyembre.