Hindi nakatulong ang visiting forces agreement (VFA) sa anti-insurgency operations ng Pilipinas laban sa mga komunista.
Binigyang diin ito ni Major General Franco Nemesio Gacal, commanding officer ng 4th infantry division ng Philippine Army matapos tuluyang kumalas ang Pilipinas sa military trainings mula sa mga sundalong Amerikano.
Ayon kay Gacal, hindi naman maaaring makisali ang mga Amerikanong sundalo at kahit magpahiram pa ng kanilang mga kagamitan para puksain o kubkubin ang mga kuta ng mga rebelde.
Sariling pagsisikap lamang aniya ng gobyerno ang pakikipaglaban sa mga rebelde kaya’t walang masyadong malaking epekto sa anti-insurgency campaign ng bansa ang pagkalas sa VFA.