Bukas ang gobyerno sakaling muling isulong sa Kongreso ang pagrepaso sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Philippine Ambassador to U.S Jose Manuel Romualdez, walang problema sa plano ng mga senador o mga Kongresista sa 19th Congress na mabusisi ang VFA.
Sa katunayan anya ay mayroon silang mekanismo kaugnay rito bukod pa sa pagsasagawa ng taunang review ng VFA.
Idinagdag pa ni Romualdez na mayroong mutual defense board na bumibusisi sa VFA, Mutual Defense Treaty at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
May mga pagbabago naman anyang nagawa at patuloy na pinalalakas ito kasabay ng bilateral strategic dialogue kada taon.