Sinuspinde ng Pilipinas ang pagkalas nito sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Amerika.
Ito ang inianunsyo ni Foreign Affairs Secretary Toeodro Locsin sa kanyang Twitter account kung saan, nakasaad na sinususpinde ng Pilipinas ang naturang kasunduan sa pagitan ng Amerika sa loob ng 180-araw o katumbas ng anim na buwan.
I issued this diplomatic note to the US ambassador. It has been received by Washington and well at that. The Note is self-explanatory and does not require comment except from me. The abrogation of the Visiting Forces Agreement has been suspended upon the President’s instruction. pic.twitter.com/BXqzyNpOty
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) June 2, 2020
Ang naturang hakbang, ani Locsin, ay batay sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod nito, nagpalabas naman ng pahayag ang Amerika kung saan nakasaad na malugod nitong tinatanggap ang naturang desisyon.
BASAHIN: Desisyon ng Pilipinas na suspindihin ang pagkalas sa VFA, welcome sa Amerika | via @USEmbassyPH https://t.co/CSCShVmeQw
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 2, 2020
Sa pahayag na ipinalabas ng US Embassy, umaasa rin aniya sila na magpapatuloy ang kooperasyon hinggil sa seguridad sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Samantala, magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagkalas sa VFA makaraang ipawalang-bisa ang U.S. visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.