Naghahanda na ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa kanyang marriage proposal sa girlfriend na si Tanya Winona Bautista.
Ayon kay Vhong, si Tanya na ang kanyang “forever” at wala ng ibang hahanapin lalo’t ramdam nila na ito na ang tamang panahon.
Aminado ang Street Boys pioneer na bumebuwelo lamang siya kung kailan isasagawa ang proposal.
Nagpapasalamat naman si Vhong sa kanyang GF dahil sa pagka-pasensyosa nito.
Sa kabila nito, hindi idinetalye ng It’s Showtime host kung kailan magaganap ang pag-iisang dibdib nila ng kanyang longtime girlfriend.