Muling nagtagpo ang landas ng ‘Queen of all Media’ na si Kris Aquino at phenomenal box office star Vice Ganda sa gitna ng kanilang tampuhan.
Hindi inasahan ng mga nanood ang pagkikita ng dalawa sa block screening ng pelikulang “I Love You, Hater” na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Julia Barretto at Kris, sa Trinoma Mall, Quezon City, kagabi.
Ang block screening ng naturang pelikula ay inisponsoran mismo ni Vice.
Sa Instagram photos ng Star Cinema executive na si Mico del Rosario, nakitang mahigpit ang naging yakapan nina Kris at Vice kasama ang bunsong anak ni Kris na si Bimby.
Noong mga nakalipas na araw at linggo, maraming netizen ang nagtanong kung magkaibigan pa ba sina Vice at Kris kahit inamin nitong na hindi na sila kasing close gaya ng dati.