Nag-tweet ng panalangin sa Twitter ang unkabogable phenomenal star Vice Ganda bago mag-landfall ang super typhoon Karding.
Niretweet ni Vice Ganda ang isang tweet na nagpapakita ng video ng isang magsasaka na nangangamba sa kanyang pananim na si Felix Pangitiban.
Ayon sa tweet ni Vice Ganda, hinihiling niya ang kaligtasan ng mga magsasaka at mga pananim nito.
Samantala, nagpost rin sa Instragram si Carla Abellana ng isang paalala sa mga netizens na huwag kakalimutang isilong ang mga alagang hayop.
Ayon sa kanyang caption kung kinakailangan ng mag-evacuate, huwag iiwang nakatali o nakakulong ang mga alaga dahil walang pagkakataon na iligtas ang sarili nila. —Sa panulat ni Jenn Patrolla