Umapela sa kanyang bashers ang comedian-TV host na si Vice Ganda na huwag na siyang pag-aksayahan ng panahon.
Sa tweets ni Vice, sinabi nitong marami nang nasaktan at nakasakit dahil sa mga pambabash kaya’t kung maaari aniya ay itigil na ito at sa halip ay magpakalat na lamang ng good vibes.
Kasabay nito pinasalamatan din ni Vice ang kanyang mga tagasuporta na patuloy na nagtataanggol sa kanya.
Una rito, tadtad ng mga negatibong komento ang mga tweets ni Vice kung saan may nagsasabing siya ay laos na habang may nag-suggest din sa komedyante na huwag na itong mag-host ng Showtime at sa bahay na lamang manood.
By Ralph Obina