Nagpaliwanag si Vice Ganda sa kanyang pang-iisnab sa isang show sa isang exclusive bar sa Cebu.
Ayon kay Vice, wala siyang anumang commitment sa management ng naturang bar kaya naman nagulat siya at maging ang kanyang handler nang makita ang kanyang poster.
Sinasabing iminarket di umano ng bar ang pagpunta ni Vice Ganda, kaya naman dinumog ito ng mga tao.
Paliwanag ni Vice, nagpa-reserve lamang sila sa naturang bar para sa birthday celebration ni Rayver Cruz na kasama niyang magso-show sa kanyang concert.
Nag-apologize naman ang management kay Vice at sa ABS-CBN dahil sa ginawan nitong pagpapaasa sa mga Cebuano.
Kahit may grounds naman ay hindi na balak pang mag-demanda ni Vice lalo pa’t naging very loyal at supportive naman sa kanya ang kanyang mga Cebuano fans.
By Rianne Briones