Umarangkada na rin ang vaccination program kontra COVID-19 ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Nanguna sa mga nabakunahan ang isa ring medical frontliner na si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at nasa 200 pang medical frontliners na isinagawa sa Sta. Ana Hospital sa lungsod.
Samantala, hindi pa nakatanggap ng unang shot ng bakuna si Manila Mayor Isko Moreno dahil hindi aniya ito kwalipikado sa mga prayoridad na mga medical frontliners.
Susunod aniya sila sa utos ng Department of Health at ng Inter-Agency Task Force na bigyang prayoridad ang mga healthcare workers.
Hinikayat din ni Moreno ang mga frontliners sa lungsod na huwag sayangin ang pagkakataong mabigyang-proteksyon laban sa virus.