Pinasasalang sa lifestyle check ng Senate Blue Ribbon Committee si Presidential Son Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Presidential son in law Atty Manases Carpio.
Sa kanilang draft report hiniling ng komite sa NBI na isagawa ang lifestyle check kasunod ng akusasyong sabit ang mag bayaw sa umanoy Davao Group na sangkot sa smuggling.
Magugunitang si Senador Antonio Trillanes ang nagdawit kina Vice Mayor Duterte at Carpio sa korupsyon sa Customs at direktang itinuro na may kinalaman sa Davao Group.
Kapwa itinanggi nina Vice Mayor Duterte at Carpio ang alegasyon ni Trillanes nang sabay humarap sa pagdinig ng komite.
Rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon na lifestyle check welcome kay Mayor Inday Sara
Premature at hindi dapat pag usapan base lamang sa draft report.
ito ang reaksyon ni Davao City Mayor Sara Duterte sa lumabas na draft report ng Senate Blue Ribbon Committee na nagrekomendang isailalim sa lifestyle check ang kapatid na si Vice Mayor Paolo Duterte at asawang si Atty Manases Carpio.
Kasunod na rin ito nang umanoy pagkakasangkot ng mag bayaw sa operasyon ng Davao Group na dawit sa smuggling.
Gayunman sinabi ni Mayor Sara na kung ang nasabing rekomendasyon ay magiging bahagi na rin ng final report hindi ito makatarungan dahil ibinase ang hakbang sa mga kasinungalingan ni Senador Antonio Trillanes at tsismis ni Customs Fixer Mark Taguba.
Iginiit ni Mayor Sara na bukas silang ma imbestigahan ng Ombudsman para masagot ang mga akusasyon laban sa kanila at wini welcome niya ang lifestyle check sa kaniyang asawa para matuldukan na ang nasabing usapin.
—-