Arestado ang Vice Mayor ng Puerto Princesa City Palawan na si Luis Marcaida III sa ikinasang anti-drug operation ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.
Nakuha kay Vice Mayor Marcaida ang 30 sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre bente dos na baril, tatlong rifle grenade, isang fragmentation grenade, at apat na unit ng kalibre kuwarenta’y singkong baril.
Ikinasa ang operasyon kaninang alas-6:00 ng umaga.
(More details to follow)
Report from Jonathan Andal