Humarap na sa Senate Blue Ribbon Committee sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio.
Ito ay kaugnay sa imbestigasyon ng Senado ukol sa pagkakalusot ng 6.4 billion pesos drug shipment mula China kung saan idinadawit ang anak at manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa bise alkalde, ang kanyang pagdalo ay bilang respeto sa Senado.
Hindi aniya siya sasagot sa mga alegasyong base lamang sa mga sabi-sabi.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte
Itinanggi naman ni Carpio na kilala nito ang Customs broker na si Mark Taguba.
Iginiit nito na wala siyang anumang kinalaman sa umano’y smuggling sa BOC.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Mans Carpio
AR/ DWIZ 882