Gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga atleta sa panahon ng matinding init.
Ito ang isa sa mga panawagan ni Vice President Sara Duterte sa ginanap na opening ceremony ng Davao Region Athletic Association (DAVRAA) Meet 2024.
Iminungkahi ni VP Sara na i-schedule ang mga laro sa umaga o hapon kung kailan mas malamig at ligtas para sa mga manlalaro.
Sinabihan din niya ang mga kalahok na huwag magdalawang-isip na humingi ng timeout o substitution kung kailangan dahil taun-taon naman ang naturang sports event. Mas mahalaga pa rin ang manatiling ligtas.
Oportunidad ang Davraa Meet para sa mga manlalaro. Para sa iba, simula ito ng kanilang sports journey; samantalang ang iba naman ay dedepensahan ang kanilang titulo.
Dahil dito, hinikayat ni VP Sara ang mga atleta na gawing inspirasyon ang mga sports icon sa bansa, katulad nina Manny Pacquiao, Hidilyn Diaz, at Carlo Yulo.
Sabi nga ni VP Sara, “Embrace the challenge, embrace the journey, and above all, embrace the champion within you.”