Inihayag ni Vice President-elect Sara Duterte na wala siyang isang tao na pinakikinggan sa pagdedesisyon sa politika matapos tanungin kung kukuha ito ng political adviser.
Ayon kay Duterte pinakikinggan nito ang mga sinasabi ng mga politikong mas may karanasan sa kanya at saka siya bumabase sakanyang gut feeling.
Sinabi rin ni Duterte na hindi na si Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco ang kanyang magiging spokesperson sa Office of the Vice President (OVP) matapos itong mapili ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na pamunuan ang Department of Tourism (DOT).
Maaalala na una nang sinabi ni Duterte na isasama nito ang ilan sa mga opisyal ng Davao City government sa OVP, bagama’t tumanggi itong pangalanan kung sinu-sino.
Mababatid na magsisismulang manungkulan si Duterte bilang Bise Presidente sa Hunyo a-30.