Nagbabala si Vice President Leni Robredo na posibleng matulad ang Pilipinas sa ibang mga bansa na nabaon sa utang matapos na mangutang ng malaking halaga sa China.
Kasunod ito ng plano ng Duterte administration na kumuha ng loan sa China para pondohan ang build build build program o ang pinakamalaking proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.
Giit ni Robredo kailangang pag-aralang mabuti ng gobyerno ang panghihiram sa China dahil maaaring matulad ang Pilipinas sa Sri Lanka na naipit sa tinatawag na “debt trap”.
Dagdag ni Robredo, dapat ikunsidera ng mga economic managers ng administrasyong Duterte ang paghanap ng alternatibo at mainam sa publiko na mapagkukunan ng pondo para sa build build build program.
Binigyan diin pa ni Robredo na kung hindi ito magpag-aaralang mabuti ay matinding maaapektuhan ng malalaking utang ng bansa ay ang taumbayan at mga tax payers.