Nagbukas na ng satellite office si Vice President Sara Duterte-Carpio sa ilang rehiyon sa bansa.
Ito ay para sa agarang pagtulong sa mga Pilipino sa mga programa sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP).
Sa Facebook post ni Duterte, anim na satellite offices ang binuksan sa unang araw na pag-upo nito sa pwesto.
Matatagpuan ito sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao at Tandag sa Surigao del Sur.
Una rito, nakipagpulong muna si Duterte kay dating Education Secretary Leonor Briones para sa pag-upo nito bilang susunod na kalihim ng DepEd.