Nagpasalamat si Vice President-elect Sara Duterte sa mga dumalo sa kaniyang inagurasyon.
Sa kaniyang talumpati, sinabi niya ang kahalagahan na gawing prayoridad ang Diyos, bansa at pamilya.
Ayon kay Duterte-Carpio, alam niyang maraming hamong kinakaharap ang bansa at isa na rito ang mga bagay na nakaaapekto ngayon sa mga kabataan tulad ng kahirapan, trauma sa pagkakaroon ng broken families, hindi maayos na pagpapalaki sa mga bata, gender confusion and discrimination.
Kabilang din ang mga distraksyon dahil sa ilegal na droga, mga kaso ng HIV at iba pang sexually transmitted disease, teenage pregnancies, mga maling impormasyon sa internet, pang-aabuso at iba pa.
Ipinaalala din niya ang papel ng mga magulang sa pagdidisiplina sa mga anak, respeto at pagmamalasakit sa kapwa.
Samantala, sinabi ni Duterte na laging tandaan na ang edukasyon ay nagsisimula sa loob ng tahanan.
Nabatid na pangungunahan ni VP-elect Duterte-Carpio ang Department of Education (DepEd) bilang kalihim.