Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi siya bibitiw sa kanyang pwesto.
Sa gitna ito ng panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw na sa pwesto si VP Inday matapos hindi sumipot sa mga deliberasyon ng kamara sa panukalang 2 billion pesos budget para sa susunod na taon.
Sa naganap na press briefing sa OVP, sinabi ni VP Duterte, na hindi siya aalis sa pwesto dahil mayroong 32 milyong pilipino ang bumoto sa kanya.
Magugunitang pinuna ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon si VP Inday sa hindi pagdalo sa mga debate sa plenaryo para sa panukalang paggastos ng OVP para sa susunod na taon.