Nagpahayag ng suporta si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte sa malawakang pagtatanim ng puno ng Climate Change Commission (CCC).
Ayon kay Duterte, ito’y upang dumami ang ‘carbon sinks’ at maibsan ang greenhouse gas emissions.
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa 15th Global Warming & Climate Change Consciousness Week kung saan binigyang diin ng pangalawang pangulo ang kahalagahan ng tree planting at growing activity ng komisyon.
Maliban sa OVP, nakiisa rin sa aktibidad ng CCC ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Professional Regulation Commission (PRC), at iba pa.