Kanselado na ang vice presidential debate na inorganisa ng isang TV network matapos magsi-atrasan ang mga kandidato sa pagka-bise presidente.
Ayon kay Sen. Gringo Honasan, nagpasya sila ni Sen. Bongbong Marcos na huwag na dumalo dahil hindi nila nagustuhan ang format nito.
Sinabi ni Honasan na matapos nila umatras ay sunod-sunod na rin na nagpahayag ng hindi pagdalo ang iba pang kandidato sa pagka-bise presidente.
Binigyang diin ni Honasan na sa halip na tutukan ang plataporma de gobyerno ng mga kandidato ay pagsasalubungin lamang ang mga ito sa naturang debate.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)