Naniniwala si political analyst professor Ramon Casiple na mababalewala lamang ang vice presidential election protest sa pagitan nina Vice President Leni Robredo at dating senador Bongbong Marcos.
Ito, ayon kay Casiple, ay maaaring i-hold ang due process hanggang sa maging moot and academic na ang naturang kaso.
Tatlong (3) probinsya lamang aniya ang sentro ng electoral protest noong may 2016 subalit hanggang ngayon ay wala pang malinaw na resolusyon ang mga mahistrado gayung 21 lalawigan ang ipino-protesta ang resulta.
Tinukoy ni Casiple ang mga nakalipas na protesta sa presidential election protest gaya ng protesta noon ni dating Senador Miriam Defensor Santiago laban sa dating pangulong Fidel Ramos noong 1995 at ang election protest ni dating senador Mar Roxas laban kay dating vice president Jejomar Binay na walang kinahinatnan hanggang sa mainip ang mga litigant at muling kumandidato sa naging dahilan para maging moot and academic na lamang ang kani-kanilang protesta.