Hindi naitago ni Dra. Vicki Belo ang kanyang excitement sa nalalapit na kasal nila ng kanyang long-time partner na si Hayden Kho.
Dalawang linggo na lamang kasi bago ang church wedding ng dalawa sa Paris.
Ipinakita rin ng bride-to-be sa kanyang Instagram account ang kanyang magarbong engagement ring.
Umagaw ng pansin sa mga netizen ang caption ni Belo sa larawan kung saan sinabi nitong maganda ang nasabing singsing, ngunit mas maganda aniya ang kwentong-pag-ibig sa likod nito.
Labing-dalawang (12) taon nang magkarelasyon sina Belo at Kho.
Una na silang kinasal ni Hayden noong Abril.
By Meann Tanbio