Pormal nang na-iproklama ng board of canvasser si Councilor Vico Sotto bilang bagong alkalde ng Pasig City.
Lagpas 12 oras nang naghihintay si Sotto sa Pasig City Hall ng opisyal na resulta ng botohan sa lungsod.
Batay sa resulta ng halalan, nakakuha na si Sotto ng kabuuang 206,226 na boto habang ang kanyang mahigpit na kalaban na si Bobby Eusebio ay may 116,414 na boto.
Ilang oras naantala ang proklamasyon ni Sotto dahil hinihintay pa ng mga Pasig City board of canvassers na aprubahan ng COMELEC regional director ang hiling na ibaba sa 96% ang threshold for proclamation kaninang tanghali.
Si Sotto ang tumapos sa 27 panunungkulan ng pamilya Eusebio sa Pasig City.
Samantala, naideklara na rin ang pormal na pagkakapanalo ni dating Pasig City representative Roman Romulo na muling tumakbo sa kongreso.
Nakakuha naman si Romulo ng kabuuang boto na 221,779.