Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang pwersa ng pulisya sa Victoria, Northern Samar.
Ito’y makaraang mapigilan at maitaboy ng Victoria Northern Samar Police ang ginawang pag-atake ng mga pinaghihinalaang kasapi ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kanilang istasyon.
Partikular na pinuri ni Albayalde ang ginawang hakbang ng pulisya kung saan inokupa nila ang mataas na bahagi ng kanilang gusali para masiguro ang magandang puwesto habang nakikipaglaban.
Samantala, dalawang pulis naman ayon kay Albayalde ang nasugatan sa pag-atake ngunit ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.