Aabot sa mahigit 300 empleyado ng Victory Liner ang nawalan ng trabaho sa gitna ng nararanasang pandemiya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa pamunuan ng Victory Liner, napilitan silang magbawas ng empleyado bunsod na rin ng mababang kita dahil sa halos tatlong buwang lockdown dulot ng pandemiya.
Kabiilang sa mga nawalan ng trabaho ang mga tsuper, kundoktor, cashier sa ticketing booths, kung saan 100 dito ang pinag-retiro habang ang iba rito ay early retirement.
Dagdag pa ng Victory Liner, posibleng madagdagan pa ng mula 500 hanggang 600 ang mawalan ng hanap buhay sa buwan ng Hulyo depende sa kanilang magiging kalalagayang pampinansyal.
Pero kung hindi paaawat ang hakbang ng pamahalaan tungo sa new normal na siyang magbibigay daan sa modernisasyon ng mga pampublikong transportasyon, ibinabala ng kumpaniya na hindi malayong umabot pa sa 1,000 empleyado nila ang mawalan ng trabaho.