Diskumpyado ang Malacañang na nagkataon lamang ang halos magkasabay na paglabas ng video message ni Vice-President Leni Robredo sa United Nations (UN) na kumukondena sa war on drugs ng Duterte administration at ang pagsasampa ng impeachment complaint sa Kamara laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella , mahirap paniwalaang walang koneksiyon ang dalawang kaganapan lalo pa’t parehong layong siraan at patalsikin sa puwesto ang Pangulo.
Kung hindi, aniya, personal na intensyon ni Robredo, posibleng pinaglalaruan siya ng iilang tao bilang “political animal.”
Sinabi ni Abella na alinman dito ang papel ni Robredo, isa itong nakakaawang sitwasyon para sa Bise-Presidente.
By Avee Devierte / Aileen Taliping (Patrol 23)