Umani ng matinding pagbatikos mula sa mga netizens ang video ng mga batang Chinese tourist na dumumi sa malinis na dagat ng Boracay Island.
Makikita rin sa video na hinugasan siya ng kanyang ina sa dagat habang ang isa pa nilang kasama ay ibinaon naman sa tabing dagat ang maruming diaper ng bata.
Maririnig ang sigawan at reaksiyon ng iba pang mga turista na nakasaksi sa kababuyan ng mga Chinese.
Kaugnay nito, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na isumbong sa mga otoridad ang sinumang lalabag sa ipinatutupad na environmental laws sa isla.
Nahaharap ang mga turistang Chinese sa pagkakakulong at pagbabayad ng multa dahil sa paglabag sa municipal ordinance number 311 na nagbabawal sa pagdumi, pag-ihi, pagdura at pagtatapon ng basura sa paligid ng isla.