Planong ipadala ng Maute-Abu Sayaf Group sa punong kampo ng ISIS sa gitnang silangan ang narekober na video ng militar sa tinaguriang sniper house ng mga terorista sa Marawi City.
Ayon kay martial law implementor at AFP Chief of Staff General Eduardo Año, bahagi ang documentation ng lokal na terorista para gamitin sa kanilang mga propaganda sa social media.
Magsisilbi rin aniya itong ebidensya ni Hapilon sa ISIS ang naturang video dahil tiyak na gagawa pa sila ng panibago kung nagtagumpay sila sa pagkubkob sa nasabing lungsod.
Magugunitang lumabas sa nasabing video si Hapilon at ang grupo ng Maute na animo’y pinaplano kung paano kubkubin ang Marawi City.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal