Nakiusap si Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Major General Restituto Padilla sa publiko na huwag nang ipakalat pa ang video ng pambubugbog ng mga sundalo sa isang nahuling Maute – ISIS fighter.
Kasabay ito ng pagtiyak ni Padilla na iniimbestigahan na ng AFP ang nasabing insidente.
Binigyang – diin ni Padilla na dapat palaging naaalala ng mga sundalo ang protocols of engagement at ang ginawa ng mga ito sa nasabing video ay hindi nila kakampihan.
Gayunman, inamin ni Padilla na naiintindihan niya ang naging hakbang ng mga sundalong sangkot sa nasabing pambubugbog dahil maraming sundalo ang pinatay, pinugutan o kaya naman ay sinunog ng mga terorista sa Marawi City.