Inireklamo sa tanggapan ng Ombudsman ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito’y makaraang mabisto ang talamak umanong pamamahagi ng salapi na nagkakahalaga ng 2 hanggang 3 Milyong Piso nang magdaos ito ng isang party sa kanilang tahanan.
Ayon Lopez, Quezon Councilor Arkie Yulde, nasa Ombudsman na rin aniya ang video footage na nagpapakita ng paghahagis ni DPWH Regional Director Ronnel Tan ng pera.
Habang nagkukumahog naman ang mga bisita nito sa pagsalo ng nasabing mga pera, bagay na mariin namang itinatanggi ng asawa nito na si Quezon Province District 4 Congresswoman Helen Tan.
Oktubre 2020 nang ipagharap ni Yulde ng patum patong na mga kasong Graft, Grave Misconduct, Ethics at paglabag sa Local Government Code si Tan.
Kasunod nito, umapela si Yulde kay Pangulong Rodrigo Duterte na paimbestigahan ang mag asawang Tan sa Presidential Anti-Corruption Commission o PACC lalo’t matagal na umano silang nasasangkot sa katiwalian.