Nakiusap ang Pentagon sa mga media outlets na huwag isapubliko ang isang video na nagpapakita ng nangyaring pananambang ng Islamic State sa tropa ng Amerika sa Nigeria noong Oktubre.
Ayon sa Pentagon, hindi nanggaling sa kanila ang nasabing video bagama’t ilang mga footages dito ay tila kuha ng nakakabit na camera sa helmet ng isang Amerikanong sundalo.
Iginiit ng Pentagon na ipinalabas ng ISIS ang nasabing video bilang bahagi ng propaganda nito para makahikayat ng mga bagong miyembro.
Magugunitang, apat na sundalong Amerikano na nakatalaga sa counter terrorism unit ang nasawi sa nasabing pananambang sa Nigeria.
—-