Inilabas ng A.P. o Associated Press ang isang ekslusibong video kung saan mapapanood kung paano pinlano ang pagsalakay ng Maute Terror Group sa Marawi City.
Sa naturang video na tumagal ng isang minuto at tatlumpu’t anim na segundo, makikita ang pulong ng mga pinaniniwalaang militante ukol sa nilulutong pag-atake sa Marawi, kung saan nabanggit ang mga planong hakbang tulad ng pangingidnap sa paaralan, pagharang sa mga kalsada at pananakot sa mga sibilyan.
Makikita din sa video ang leader ng Abu Sayyaf group at sinasabing “Emir” ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon na pinangungunahan ang pag-atake sa Marawi.
Nakasuot si Hapilon ng dilaw at itim na scarf sa ulo at nasa kanyang tabi ang isang baril.
Kaugnay nito, mayroon nang kopya ang militar ng naturang video kung saan mismong si AFP Chief of Staff Eduardo Año ang nagkumpirma na si Hapilon nga ang nasa video.
By: Meann Tanbio