Patay ang 4 na indibidwal matapos atakihin ng di umano’y mga islamist terrorist na nakasuot ng pekeng explosive device gabi ng lunes sa Vienna, Austria.
Ayon kay Chancellor Sebastian Kurz sa kanyang address to the nation ang nangyaring pag-atake ay gawa ng mga islamist terrorist na bunga umano ng pagkamuhi sa kanilang nakagawiang kaugalian dahil madalas na itinuturing nila ang kanilang bayan pilang pinagpala, dahil ang anumang karahasan at takot ay laganap lamang sa ibang mga bansa.
Samantala pinaligiran naman ng 1k na pulis ang mga lansangan sa lungsod at hinikayat ang mga mamamayan nito na manatili muna sa loob ng bahay habang wala pang kasiguraduhan.
Iniutos naman ng pamahalaan ng Vienna na ibababa sa kalahati ang kanilang watawat sa loob ng 3 araw bilang pagpapakita ng pagdadalamhati at pakikiramay sa mga nasawi.―sa panulat ni Agustina Nolasco