Inalok ni US Vice President Kamala Harris ng tulong ang lider ng bansang Vietnam.
Kabilang sa inalok na tulong ni Harris ang pagpapalakas ng nasabing bansa ng kanilang maritime security para labanan ang pananakop ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.
Regular na rin ang magiging pagbisita ng mga barkong pangdigma ng US sa Vietnam.
Nangyari ang mga ito sa pulong ni Harris kay Vietnamese President Nguyen Xuan Phuc, Vice President Vo Thi Anh Xuan at Prime Minister Pham Minh Chinn.—sa panulat ni Rex Espiritu