Hinimok ni Senate Committee on Labor Chairman Joel Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang hinaing ng security guard na nanghostage sa isang mall kung saan ito dati nagtrabaho.
Ayon kay Villanueva, malinaw na hindi napakinggan o natugunan ng maayos ang mga reklamo ng security guard na si Archie Paray dahilan kaya humantong ito sa panghohostage.
Iginiit ni Villanueva, nasa hurisdiksyon ng DOLE ang pagresolba sa mga reklamo ng mga manggagawa lalo na ang mga usaping may kaugnayan sa labor practices.
Sinabi ni Villanueva, dapat kumilos ang DOLE para hindi na maulit pa ang isang katulad na insidente.
Samantala, kinokondena naman ni Villanueva ang naging hakbang ng suspek.
Hindi aniya magiging tama kailanman ang ginawa ng suspek para lamang makuha ang atensyon ng kanyang mga employer at maresolba ang kinaharap nitong problema sa trabaho.