Kinalampag ni Sen. Joel Villanueva ang mga employer kaugnay sa pagpapatupad ng telecommuting o work from home scheme.
Ito’y sa gitna ng umano’y nararanasang transportation crisis sa Metro Manila matapos sunod-sunod na magkaaberya sa LRT lines 1 at 2 at MRT line 3 kung saan lubos nanaapektuhan ang maraming commuter.
Ayon kay Villanueva, nakapasa na naman ang batas kaugnay sa ‘work from home’ kailangan na lamang ay ang pagpapatupad nito ng mga employer para mapanatiling produktibo ang kanilang mga manggagawa.
Batay sa telecommuting law, boluntaryo ang telecommuting program pero hindi dapat mabawasan ang sahod at benepisyo ng manggagawa at kailangan pa rin ipatupad ang mga labor standard sa oras ng trabaho at pahinga.
Asahan aniya na ilalabas ng Department of Labor and Employment ang listahan ng mga trabahong maaaring isailalim sa “telecommuting arrangement”.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nuong Disyembre 20, 2018 ang ‘work from home’ law.