Magiging delikado kapag pinayagan ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na makapagbukas muli ng kanilang negosyo sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Pananaw ito ni Senate Labor Committee Chair Joel Villanueva dahil malaki ang potensyal ng pogo bilang high risk sector na makapagpakalat ng COVID-19 dahil maraming manggagawa ang nagta trabaho sa isang enclosed area at nakatira sa high rise condominiums.
Sinabi pa ni Villanueva na karamihan sa mga POGO operators ay hindi nagbabayad ng buwis kayat walang dahilan para payagang makapag operate muli ang mga ito.
Una nang inihayag ni Pagcor Chair Andrea Domingo na irerekomenda nya sa Pangulong Rodrigo Duterte para sa muling pagbubukas ng POGO subalit kailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng social distansing, pagsusuot ng mask at paghuhugas palagi ng mga kamay.