“Over my dead body.”
Ito ang naging tugon ni Sen. Joel Villanueva ng tanungin hinggil sa isinusulong na panukalang diborsyo sa bansa.
Ayon kay Villanueva, ang Pilipinas ay isang kristyanong bansa kaya’t sagrado ang turing ng mga Pilipino sa kasal.
Dagdag pa ng senador, nakasaad din aniya sa preamble sa konstitusyon na magpapatunay na hindi katanggap-tanggap sa diyos ang diborsyo.
Aniya ang sinumang pinag-isa ng diyos ay hindi dapat papaghiwalayin ng tao.
Wala umanong masama kung payagan ang annulment sa mga mag-asawang hindi na talaga magkasundo, bayolente na sa isa’t isa at masisira lang ng tuluyan ang pamilya kung ipagpapatuloy pa ang pagsasama.
Kasabay nito, iminungkahi na lamang ni Villanueva na gawing accessible at abot-kaya ang annulment, pati na rin ang pagiging available aniya ng mga abogado ng gobyerno para tumulong sa mga ito.
with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)