Tinawag na inutil ni Sen. Joel Villanueva ang PAGCOR dahil sa hindi nito maayos na pag-regulate ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kaya’t dumadami na ang iligal na POGO sa bansa.
Ayon kay Villanueva, malinaw na responsable ang PAGCOR sa pagtitiyak kung susunod ang lahat ng kanilang mga binibigyan ng lisensya na magpatakbo ng pasugalan.
Binigyang diin din ni Villanueva na trabaho rin ng PAGCOR na ipaalam sa Bureau of Immigration, Department of Labor and Employment, Bureau of Internal Revenue at iba pang ahensya ng pamahalaan ang presensya ng mga POGO na iligal na nag-o-operate sa bansa.
Sinabi pa ng senador na tila ay petiks-petiks lang ang ahensya sa kabila ng mga tungkuling nakaatang dito sa pag-momonitor ng POGO sa bansa.