Agad hiniling ni Senadora Cynthia Villar sa bagong talagang acting secretary ng Department of Agriculture na si William Dar na ibalik ang pondo para sa mga programang makatutulong sa mga magsasaka matapos ang expiration ng quantitative restriction sa rice imports.
Tinutukoy ni Villar, chair ng committee on agriculture and food, ang P5-B inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) noong Disyembre 2018 sa pag-asang maisasabatas ang Republic Act 11203 o Rice Competitiveness Enchance Fund o RCEF.
Ayon sa senadora, P1-B lamang ang napunta sa RCEF program at ang P4-B ay nagastos umano sa ibang proyekto dahil hindi pa napapasa ang RCEF.
Giit ni Villar dapat ay hindi ginalaw ang pondo o inilaan sa ibang bagay.
Dahil ditto, nais ni Villar na maibalik ang P4-B sa RCEF program na inaasahang makatutulong sa mga magsasaka matapos ang expiration ng quantitative restriction sa rice imports.
Si Dar ang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang acting secretary ng Department of Agriculture kapalit ni Manny Piñol.