Nagpaliwanag si Senadora Cynthia Villar kaugnay sa naging tugon nito sa panawagan ng mga medical practitioners na ilagay muna sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila upang makahinga sa dami ng mga nagkakasakit dahil sa COVID-19.
Ito’y makaraang magviral sa social media at umani ng kaliwa’t kanang batikos ang Senadora sa naunang pahayag nito sa panayam ng DWIZ na dapat pagbutihin na lamang ang trabaho ng mga frontliner.
Sa inilabas na pahayag ng tanggapan ni Villar, nilinaw nito na ang Department of Health (DOH) at iba pang mga ahensya ng pamahalaan ang dapat magdoble kayod upang hindi na ma-burnout ang mga medical professionals.
We have to work harder and better, but I am not referring in particular to the medical workers–our frontliners. We are referring to all of us and DOH and Philhealth in particular. There is so much room for improvement in the government’s response to curb the transmission of the disease,” ani Sen. Villar.
Una rito, binigyang diin din ni Villar sa panayam ng DWIZ na ang naging panawagan ng mga health frontliners ay dapat ituring na wake up call ng DOH para tutukan ang kapakanan ng mga doktor at iba pang medical frontliners.