Nananatiling pinakamayamang Senador si Sen. Cynthia Villar batay sa isinumite nitong 2019 Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).
Base sa record, umabot sa P3.53B ang net worth ni Villar na kilala rin sa Real Estate business.
Gayunman bumababa ang yaman ng Senadora kumpara sa net worth nito nuong nakaraang taon na P3.72B.
Pumangalawa naman sa pinakamayang Senador si Sen. Manny Pacquiao na mayroong net worth na P3B.
Pangatlong pinakamayaman naman si Sen. Ralph Recto na may yamang P555M na sinundan ni Sen. Juan Miguelz Zubiri na may net worth na P182M.
Samantala, itinuturing naman na pangalawa sa pinakamahirap na Senador si Sen. Bong Go na mayroong P15.50M.
Magugunitang si Go ang may pinakamalaking ginastos nuong kampanya para sa 2019 midterm elections na umabot sa P161M.