Pinuri at pinasalamatan ni Senadora Cynthia Villar, chairwoman ng Senate committee on agriculture and food, si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda nito upang maisabatas na ang rice tarrification bill.
Ayon sa senadora na siya ring principal author ng naturang panukala, malaking tulong ang pagsasabatas nito dahil sa P10 billion inilaan para sa rice competitiveness enhancement fund.
Nakalaan aniya ang naturang pondo para masigurong hindi malulubog ang agrikultural na sektor ng bansa sa mga inaangkat na bigas.
Malaking suporta rin anya ito sa mga magsasaka para mapabuti ang kanilang kita.