Excited nang maging lola ang actress at dating Gobernador ng Batangas na si Vilma Santos para sa magiging apo sa kaniyang anak na si Luis Manzano at Jessy Mendiola.
Nabatid na hindi na nakapaghintay si Vilma at agad nitong ibinigay sa mag-asawa ang kaniyang regalo para kay Baby “Peanut.”
Sa recent vlog ng aktres, kaniyang sinabi na hindi na siya makapaghintay pa sa baby shower kaya bumili na siya ng regalo para sa kaniyang kauna-unahang apo kabilang na ang mga milk bottle at sterilizers.
Ayon kay Vilma, ang kaniyang regalo ang pinaka latest at ligtas na gamitin para sa kaniyang apo.
Sa kabila nito, nagbigay naman ng payo sa mag asawa si Ate V at ipinaalala na importante ang pagkakaroon ng lakas, inspirasyon, respeto, at pagmamahal sa isat-isa para sa ikagaganda ng future ng kanilang anak.
Dagdag pa ni Ate V na dapat ay laging nag-iisip “As One” dahil marami pa silang challenges na mararanasan sa kanilang buhay mag-asawa.