Pag-aagawan ng kampo ni Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Duterte si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President Toby Tiangco na isa si Ate Vi sa mga ikinukunsiderang makatambal ni Binay sa 2016.
“She has proven good governance in Batangas, popular, diba napatunayan naman niya na kaya niyang magtrabaho?, so dalawa po ang qualification ni Vice President Binay para doon sa gusto niyang maging running mate, number 1, sabi niya kailangan magtatrabaho kasama niya, number 2, kailangan uunahin ang mga programang malalapit sa puso niya, OFW, libreng edukasyon at libreng hospitalization para sa lahat ng mga Pilipino, palagi niyang sinasabi na walang Pilipinong dapat na mamatay dahil sa kakulangan ng pera na di kayang magpa-ospital.” Pahayag ni Tiangco
Matatandaang inihayag din noon sa DWIZ ni dating North Cotabato Governor Manny Piñol na si Governor Vilma ang napipisil ding makatambal ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kapag tumakbo ito sa panguluhan sa 2016.
“Kung ayaw ni Grace Poe, si Vilma Santos, actually nung pinag-usapan namin ni Rudy, aba’y umilaw yung mata, oo nga no, maganda ang track record ni Ate Vi, and she has the star power.” Pahayag naman ni Piñol.
By Ralph Obina | Karambola
Read the article here: https://www.dwiz882am.com/index.php/duterte-payag-makatambal-si-batangas-governor-vilma-santos-sa-2016-elections/